Arci Munoz, ready na nga ba ulit magkaroon ng bagong Boyfriend?

Imahe mula sa Facebook

Sinubukan diumanong ayusin ni Arci Munoz ang relasyon nila ng dating nobyo na si Badi del Rosario na anak ng Brunei’s Prince na si Jefri Bolkiah.

Ngunit sa huli ay tuluyan na diumanong tinapos ng aktres ang kanilang relasyon ng dating nobyo at inamin niya na ngayon ay may bago na siyang dine-date.

Sa kanyang guest appearance sa “Tonight With Boy Abunda” ng ABS-CBN nitong Miyerkules, nabanggit ng aktres na nakikipagkita diumano ito sa isang businessman na hindi niya pinangalanan.

Aniya: “If I am going out with someone, I don’t think there’s something wrong with that. In fact, this guy is a friend of mine for a long period of time. I’ve been single for almost a year at nakapag-move on na ako. I think, I deserve naman to be happy.”

Unang inamin ni Arci ang break up nila ni del Rosario noong January at inamin din niyang ang kawalan ng sapat na oras sa isa’t isa ang pangunahing dahilan ng kanilang hiwalayan; dahil sa kanilang busy schedules. Umabot din ng tatlong taon ang kanilang relasyon.

Dagdag pa ng aktres, nasaktan diumano ito nang labis sa hiwalayan nila ng dating nobyo na itinuring din niyang matalik na kaibigan.

Samantala, guest si Arci sa nasabing show upang i-promote ang kanyang bagong pelikula na “Can We Still Be Friends” ng Star Cinema, kasama ang aktor na si Gerald Anderson.

Ang nasabing pelikula ay ipalalabas sa mga sinehan sa darating na Hunyo 14.

Samantala, handa na nga kayang muling magmahal at magkaroon ng bagong nobyo si Arci?