China, popondohan ang 2 state-of-the-art na tulay sa Metro Manila

Image from DPWH

Pormal nang pumirma sa kasunduan ang bansang Tsina na popondohan nito ang pagpapagawa ng dalawang state-of-the-art na tulay sa Pilipinas; isa sa Lungsod ng Maynila at isa naman sa Makati City.

Ayon sa Inquirer, pinirmahan na ng dalawang bansa noong Miyerkules, ika-21 ng Hunyo ang Minutes of Discussion (MOD) para sa “full grant” mula sa China upang pondohan ang konstruksyon ng Binondo-Intramuros Bridge sa Maynila at ang Estrella-Pantelon Bridge sa hangganan ng Makati at Mandaluyong.

Si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar at ang Economic and Commercial Counsellor ng Chinese Embassy sa Maynila na si Jin Yuan ang pumirma ng MOD.

Sakop ng grant ng China ang disenyo at aktuwal na konstruksyon ng dalawang tulay, samantalang bahala naman ang DPWH sa pagkuha ng road right of way.

Tinatayang aabot sa P710 milyon ang halaga ng dalawang tulay na inaasahang makatutulong sa paggaan ng trapiko sa Metro Manila. Ang konstruksiyon ay maaaring magsimula sa third quarter ng taon.

 

Loading...