Claudia Barretto, proud na ipinakilala sa publiko ang kanyang non-showbiz Boyfriend

Imahe mula sa Facebook

Hindi tulad ng mga kasabayan at kaibigan ni Claudia Baretto na mga kapwa artista, inamin at proud na sinabi ng aktres na in a relationship na ang kanyang status.

Sa kanyang panayam sa “Tonight with Boy Abunda” ng ABS-CBN noong Martes, naitanong kay Claudia na nakababatang kapatid ng aktres din na si Julia Barretto, ang tungkol sa larawan nila sa Instagram ng nobyong si Basti Lorenzo.

Aniya: “We’re just like every other couple. We go out. We go on dates. We hang out at each other’s houses. It’s super normal.”

Idinagdag din ni Claudia na nakuha na daw ni Lorenzo ang basbas ng kanyang ina na si Marjorie Barretto.

“Every stage. Like when he first started asking me out, when I started liking him. I was very vocal about it and I told my mom everything. I was so happy that my mom also likes my boyfriend,” ang proud pang pahayag ng aktres.

Silipin ang mga larawan ni Claudia at ng kanyang boyfriend:

Lucky ☺️

A post shared by Claudia Barretto (@claudiabarretto) on

Basti ☺️

A post shared by Claudia Barretto (@claudiabarretto) on