Imbestigasyon sa Pork Barrel Scam, Muling Sinimulan ng DOJ

File photo

Muling sinimulan ng Department of Justice (DOJ) ang reinvestigation sa multibilyong piso sa Pork Barrel Fund Scam ng Priority Assistance Fund (PDAF).

Bumuo ng ‘special task force’ si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II upang pag-aralan ang kaso.

Ang ‘special task force ni Aguirre ay pangungunahan ni Undersecretary Antonio ‘Richie’ Kho, saad sa ulat ng Bombo Radyo.

Si Kho ang mangunguna sa pagsusuri ng mga ebidensyang isinumite ni Janet Napoles.

Ang nasabing ‘special task force’ ay papalit sa task force ng National Bureau of Investigation (NBI) na binuo noon nina dating justice secretary at Senador Leila De Lima at ng mga dating senador na sina Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon Revilla Jr.

Ipinaliwanag ni Aguirre na tulad ng nakaraang imbestigasyon ay iva-validate nila ang records mula sa Commission on Audit at implementing agencies.

Tiniyak din ni Aguirre na walang selective justice na mangyayari tulad ng nangyari noong dating administrasyon.

Loading...