Jay R, handa na nga bang pakasalan ang nobya na si Mica Javier?

Image capture of video via You Tube

Apat na taon na silang mag-on, handa na nga ba si JayR na pakasalan ang nobya?

Sa interview sa singer na si Jay R sa “Tonight with Boy Abunda” nitong Martes ng ABS-CBN, inamin ng singer na wala pa raw itong plano na pakasalan ang kanyang nobya sa loob ng apat na taon na si Mica na miyembro ng grupong GirlTrends.

Aniya: “Si Mica kasi, she’s a rising star right now and I’m so proud of her. She’s on “It’s Showtime” everyday. Right now, she’s focused on herself. It’s been her dream to do music, to be able to dance on TV, to be acting. So sabi ko, let’s just focus on our careers.”

Idinagdag pa ni Jay R na busy ito ngayon sa kanyang independent label na HomeWorkz Music kung saan ay featured rito ang mga recording artists na sina Robin Nievera, Lawrence, Paolo Onesa at ang kanyang nobya na si Mica.

Kamakailan lamang ay naging certified Gold record ang kanyang original OPM song na “Elevated” na under ng HomeWorkz Music.

Sa Instagram account ni Mica ay nagbahagi siya ng video nila ni Jay R: “Check out mine and @rnbjayr ‘s acoustic version of our duet Tonight, a song that we wrote when we first met….. and now look where we are. Lol.”

Yes, busy pa sila “making good  music together.”

Loading...