Nasaan ang Pangulo? Ilang mambabatas nag-aalala sa patuloy na hindi pagpapakita sa publiko ni Duterte

Image from President Rodrigo Duterte Facebook page

MAYNILA, Pilipinas  –  Nagpahayag ng pag-alalaa ang ilang mambabatas sa tunay na kalagayan ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang ilang araw na hindi ito nagpakita sa publiko simula Lunes nitong linggo.

Matatandaang hindi dumalo ang Pangulo sa ginanap na Independence Day rites sa Luneta Park noong ika-12 ng Hunyo. Ayon sa Palasyo, masyadong napagod si Duterte dahil sa ilang araw na puyat matapos bisitahin ang mga sundalo sa Marawi bukod pa sa mga dinaluhang pulong at pagsalubong sa mga nasawing sundalo Linggo ng gabi.

Ayon kay Buhay Party-list Rep. Lito Atienza, hindi maiwasang mag-isip ang publiko tungkol sa posibilidad na may sakit ang pangulo dahil apat na araw na itong hindi nagpapakita.

“I hope the President realizes that the concern of everyone, including us. I will always wish him well. He is the leader we need at this point in time. Walang masama na sabihin na lang ang totoo,” wika ni Atienza.

Mas lalo daw nagagatungan ang tsismis dahil hindi nakikita ang lider ng bansa. Karapatan umano ng bawat mamamayan na malaman ang tunay ng kalagayan ng kalusugan ng presidente.

Maging si Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel, isang malapit na kapanalig ni Duterte, ay ganito rin ang sentimyento.

“Of course, the people are entitled to know what is the situation of the President pero up to the extent that other mischievous minds would have other agenda to follow, if they think the President is not well, that also has to be considered,” ani Pimentel.

Para naman sa kritiko ng Pangulo na si Magdalo Rep. Gary Alejano, nakababahala umano ang patuloy na pagkawala ni Duterte sa mata ng publiko sa gitna ng krisis sa Marawi.

“Much more to be absent for a week without explanation except to rest. People cannot help but speculate about the status of t President’s health,” ayon kay Alejano.

Ganito rin ang inaalala ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat na nagsabing ang estado ng kalusugan ng presidente ay hindi dapat itago sa publiko.

Samantala, pinawi naman ng Malakanyang ang mga pag-alala ng publiko kay Pangulong Duterte at sinabing nasa mabuti itong kalagayan at kailangan lamang ng pahinga dahil halos 23 araw itong nasa labas para ayusin ang sitwasyon sa Mindanao matapos ideklara ang martial law noong nakaraang buwan.

“It has been really brutal so we have to allow him this kind of rest. He’s taking some time off to to rejuvenate,” paliwanag ni Presidential spokesperson Ernesto Abella.

Loading...