Paglapastangan sa mga rebulto at simbahan sa Marawi, kinondena

Image capture from Amaq video via Long War Journal

MAYNILA, Pilipinas   –   Kinondena ng isang obispo ang ginawang paglapastangan ng mga teroristang grupo sa isang simbahan sa Marawi City.

Kumalat sa social media ang naturang video kung saan makikita ang ilang armadong lalaki na pinagsisira at sinisipa ang ilang rebulto sa loob ng St. Mary’s Cathedral sa lungsod na ikinagalit ng mga netizen.

Sa kaniyang pahayag sa CBCP News, kinondena ni Marawi Bishop Edwin de la Peña ang kalapastanganang ginawa ng mga terorista sa loob ng simbahan.

“We are angered by what happened. Our faith has really been trampled on,” ani Dela Peña.

Sa naturang video, na unang ibinahagi ng Amaq na kilalang media outlet ng ISIS, makikitang sumisigaw pa ng “Allahu Akbar!” habang walang habas na pinagsisipa at inaapakan ang mga imahe nina Hesuskristo, Birheng Maria at San Jose.

Makikita ring pinagpupunit ng grupo ang isang poster ni Pope Francis, habang sinunog naman ang isang bahagi ng simbahan.

“That is blasphemy! It’s unacceptable. It’s obvious that their actions are really out of this world. It’s demonic,” dagdag pa ng obispo.

Matatandaang isang pari mula sa St. Mary’s Cathedral – si Fr. Teresito ‘Chito’ Suganob –  ang kinidnap din ng Maute Group sa unang araw ng kanilang paglusob sa Marawi.

Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling bihag pa rin ng grupo si Fr. Suganob, at hindi pa alam kung kailan ito palalayain.

Ang video:

Loading...