[Panoorin] Pagwasak ng mga Maute sa mga imahe ng santo, pagsunog sa simbahan sa Marawi City

Imahe mula sa Facebook ng Duterte ng Pagbabago

Kinakitaan ng kawalang respeto ang mga bandidong grupo sa pagwasak sa mga imahe at pagsunog sa isang simbahan sa Marawi City sa isang video na nag-viral ngayon sa social media.

Batay sa video na ibinahagi ng Amaq News, ang mga taong responsable sa pagwasak sa imahe ng mga santo at pagsunog sa simbahan ay ang grupo ng Maute.

Mapapanood sa video ang unang pagsira sa isang imahe ng tatlong katao. Sumunod naman ang pagwasak din sa imahe ng Birheng Maria sa pamamagitan ng pagpukol sa glass case kung saan nakapirmi ito.

Ang isang lalaki nama’y pinunit ang poster ni Pope Francis kasunod ang pagsira sa imahe ng Hesus ng Pagkabuhay. Pinabagsak din kasabay ng pagsira ang imahe ni Hesukristong nakapako sa krus.  Hindi rin pinatawad ang mga kagamitan ng pari sa pagmimisa, at maging ang larawan ni Pope Benidict XVI.

Hindi pa nakuntento ang mga bandido sa pag-atakeng ginawa nila sa simbahan sapagkat winakasan nila ang pagvi-video sa pamamagitan ng pagsunog sa simbahan.

Umani ng batikos ang naturang video. Ayon sa ilang netizen:

“Yan ba itinuturo ng Allah nyo mga maute group? Ang alam ko iisa lng ang ating Panginoon mgkaiba lng tau ng paniniwala dapat naman respect lng ang kailangan sa bawat religion kung saan man tau nakasanib… Only God knows nlng kung sino man gumagawa ng kasamaan sa kapwa darating din yang karma sa inyo.”

“Followers sila ng mga demonyo at sinisira nila ang relihiyong Muslim. Hindi kayo mga totoong Muslim dahil ang Dyos or si Allah hindi tayo tinuruan na pumatay ng tao. Sana magising na kayong mga terrorist at ma realize nyo na mali ang ginagawa nyo. Just keep praying na matapos na ang gulo. God ikaw na po ang bahala sa kanila. Amen.”

Komento naman ng isang Muslim:

Ni minsan di po tinuro saming mga muslim ang paninira ng ibang relihiyon .. bagamat ang tinuro po samin ay ang pag rerespeto sa bawat relihiyon .. at kong may makita man po kayong masama samin o sakin na din … wala pong kinalaman ung religion namin… blame us not our religion ..”

 

Source :

Facebook

Loading...