Sotto: Mga kontra sa martial law, ipadala sa Marawi para sila ang tumapos sa gulo

Image from DFN Files

MAYNILA, Pilipinas  –  Para kay Senador Vicente ‘Tito’ Sotto, mas mainam na ipadala na lang sa Marawi ang mga kumukontra sa martial law upang sila na ang makipagbakbakan sa mga terorista.

Lumabas ang pahayag ng senador sa gitna na oral argument sa Korte Suprema  tungkol sa legalidad ng martial na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos sumiklab ang kaguluhan sa Marawi tatlong linggo na ang nakararaan.

“Padala na lang lahat ng kontra sa Marawi. Sila tumapos ng gulo,” ani Sotto sa isang text message na ipinadala sa GMA News.

Iginiit din ng senador na walang mabigat na argumento ang mga petitioner ng martial law na pinangungunahan ni Albay Rep. Edcel Lagman.

“It’s the same, because the terrorists are aided by the rebels and are rebelling against the government. It’s like saying that suicide does not equate to *****! Wala lang masabi!” paliwanag ni Sotto.

“They (Maute) are using terrorism to foster rebellion. It’s as simple as that!” wika pa ng mambabatas.

Isa si Sotto sa mga pabor sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao at naniniwalang hindi na kailangan ng joint session ng Kongreso para aprubahan ito.

Kamakailan, nag-alok din si Senator Juan Miguel Zubiri na sasagutin niya ang pamasahe papuntang Marawi ng mga mambabatas an kumokontra sa batas militar sa Mindanao.

“Kung gusto nilang pumunta ng Marawi bibigyan ko sila ng tiket, pamasahe. Bibigyan ko sila ng sasakyan para pumunta sa Marawi at kausapin ‘yung Maute group, kung gusto nilang kausapin ‘yung Maute group,” hamon ni Zubiri.

Loading...