[Video] Aguirre, Binatikos ng Ilang Senador sa Pinahinang Kaso ng mga Pulis Laban sa Pagpatay kay Espinosa

File photo and image capture of video by GMA News via YouTube account

Binatikos ng ilang senador ang desisyon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa umano’y pinahinang kaso ng mga pulis laban sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa.

Mula sa murder ay ibinaba ni Aguirre sa kasong homicide ang kinasasangkutan nina Supt. Marvin Marcos at ng 18 pang mga pulis.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, dapat tuligsain ng senado ang pasya na ito ni Aguirre.

Dismayado rin sina Senador Franklin Drilon, Richard Gordon, at Risa Hontiveros, saad sa ulat ng Saksi.

Ayon kay Drilon, ang pasya na ito ni Aguirre ay itinuturing na “big blow” sa justice system ng Pilipinas, saad sa Abante Tonite.

Ani Drilon: “The abrupt downgrading of the case against Supt. Marvin Marcos and his cohorts from murder to homicide is a big blow to the justice system in the country.”

Paliwanag pa ni Drilon, nakalulungkot at nakadidismaya ang pasya ni Aguirre sapagkat nagbibigay ito ng negatibong mensahe sa kakayahan ng gobyerno na panagutin ang mga pulis na nasangkot sa pagpatay.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa GMA News:

Loading...