Korte Suprema, pinagbigyan ang hiling ni Aguirre na sa Taguig RTC litisin ang kaso ng Maute

Public domain and file photo

Pinagbigyan ng Korte Suprema ang kahilingan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na gawin ang pagdinig at paglilitis sa kaso ng miyembro ng Maute at sympathizers nito sa Taguig City Regional Trial Court (RTC).

Ayon kay Atty. Theodore Te, tagapagsalita ng Korte Suprema, sa en banc session inaprubahan ng mga mahistrado ang paglipat ng mga kaso ng Maute sa Metro Manila.

Naglagay din ang Korte Suprema ng special intensive care area sa Camp Bagong Diwa para sa mga inakusahang terorista upang maging pansamantala nilang detention area.

Subalit nakabatay pa rin umano ito sa facilities na mayroon ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), ayon sa ulat ng Bombo Radyo.

Masaya naman si Aguirre sa nasabing development.

Sa inisyal na ulat ng Abante, dalawang pahinang liham ni Aguirre ang ibinigay niya kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Nakasaad sa liham ni Aguirre ang pangangailangan na mailipat mula Camp Evangelista, Cagayan de Oro patungo Camp Bagong Diwa, Taguig ang pagdinig ng kaso.

Loading...