Bianca Gonzales tumugon sa akusasyong siya’y anti-Duterte

Imahe mula sa Twitter ni Bianca Gonzales

Ipinagtanggol ng TV personality na si Bianca Gonzalez ang sarili matapos kuwestyunin ng isang netizen ang kanyang pananaw sa pulitika at akusahan siyang anti-Duterte.

Ayon sa ulat ng PEP, isa si Bianca sa ilang mga personalidad na bumabatikos at kumokondena sa war on drugs ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Isa si Bianca sa kumondena sa pagkakapatay kay Kian Loyd delos Santos, 17-anyos na grade 11 student, na diumano’y napagbintangan lamang na may kinalaman sa droga sa isinagawang anti-drug operation sa Caloocan City noong Agosto 16.

Nitong August 25, isang netizen ang nagtanong kay Bianca kung bakit ito nananahimik sa isyu ng mga batang ginagahasa ng mga drug addicts.

Inungkat din ng netizen ang isyu ng Mamasapano clash, kung saan 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) ang nasawi sa pakikipaglaban sa mga rebelde sa Maguindanao noong 2015.

Ayon kay Bianca, nagpahayag din umano ito ng saloobin nang mamatay ang SAF 44 at iba pang mga isyu na may kinalaman sa pulitika.

Wika pa ni Bianca, maging maingat sa pag-aakusa at maniguro bago mambintang.

Sinuportahan ng TV host ang obserbasyon ng isang netizen na may ibang netizens na “blinded” pagdating sa political affiliations.

And its sad that any observation posted, they equate to being anti-PRRD. Kahit hindi naman,” tweet ni Bianca.

Source :

Twitter, PEP

Loading...