[Video] Chair Bautista, nakangiting humarap sa mga empleyado ng Comelec; Mga empleyado ng ahensya, nagpakita ng suporta

Image capture of video by GMA News via YouTube account

“Smile though your heart is aching. Chairman, andito lang kami.”

Nakangiting humarap si Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista sa flag raising ceremony ng mga empleyado ng ahensya sa Maynila na nagpakita naman ng suporta sa kaniya.

Sa ginanap na flag raising ceremony, naghandog ng isang dance number ang mga taga-Information and Technology department ng Comelec.

Ani Luisa Tolentino, executive assistance 4 ng Comelec, kanya-kanyang gastos ang mga empleyado ng ahensya sa ginanap na programa upang maipakita ang kanilang suporta kay Bautista.

Ayon kay Tolentino, batid nila ang pinagdadaanan ng Comelec chairman.

Bukod sa dance number, naghandog din ng awit ang ilan sa empleyado para kay Bautista.

Naging emosyonal naman ang Comelec chair nang nagbigay ito ng mensahe sa mga empleyado, ayon sa ulat ng Balita Pilipinas.

Aniya: “Hindi naman mahirap na ibigay ‘yung posisyon or bumaba sa posisyon. Hindi naman problema ‘yun. Alam mo ang problema ko talaga, na mawala ang Comelec family mula sa aking buhay.”

Nagpasalamat din ang Comelec chairman sa mga tumutulong sa kaniya.

Hiling din niya na sana ay patuloy siyang ipagdasal ng mga empleyado ng Comelec.

Samantala, pinaiimbistigahan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa Bureau of Internal Revenue (BIR) kung nagkaroon ng tax evasion si Bautista at ang kaniyang mga kamag-anak.

Sa inisyal na ulat ng Balitang DF, umuwi ng bansa si Dr. Martin Bautista, kapatid ng Comelec chair, upang linawin ang isyu ng ill-gotten wealth ng kanilang pamilya.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa GMA News:

Loading...