Heart kay Chiz: Magselos ka naman

Mga imahe mula sa Instagram page ni @iamhearte

Hindi raw seloso ang kanyang asawa na si Senator Chiz Escudero; ito ang sinabi ng aktres na si Heart Evangelista.

Sa katunayan ay sinasabihan pa nga raw niya ito minsan na magselos naman.

Habang marami ang kilig na kilig sa moments ni Evangelista at ng Korean leading man niyang si Alexander Lee sa Kapuso primetime series na My Korean Jagiya, marami rin ang napapaisip kung nagseselos ba si Escudero.

Is love in the air for Gia and Jun Ho? #MyKoreanJagiya

A post shared by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on

Ngunit ayon sa PEP, ibinahagi ni Evangelista na hindi kailanman nagselos ang senador sa mga romantic scenes nila ni Lee.

“Hindi, zero!” tugon ng aktres. “He’s so… I think it’s because he’s mature, he’s so secure about himself, parang… Actually, even before, ‘yong mga damit na revealing? Mas ano pa nga siya, parang supportive talaga siya,” kuwento niya.

Kahit daw sa kissing scenes ay hindi pinagbabawalan ni Escudero ang kanyang misis.

“Wala talaga siya, as in zero! Minsan sabi ko, ‘Magselos ka naman!’ Hindi talaga siya nagseselos, he’s not the type. I think he’s secure, yeah!” pahayag ng aktres.

Maging ang production team daw ng My Korean Jagiya ay hanga kay Escudero.

“No’ng naka-bonding nila si Chiz, sabi nila, ‘You know, in fairness, suwerte ka for an artista, kasi bihira lang ‘yung meron kang non-showbiz na asawa who will be that okay with, you know,’” salaysay ni Evangelista.

Narito ang trailer ng My Korean Jagiya:

Loading...