Senador Chiz, nagulat nang malamang may ‘nakaraan’ sina Heart at John Lloyd

Mga imahe mula sa Facebook page na Francis Chiz Escudero at Instagram page na @insideshowbiz

Ikinagulat ng asawa ni Heart Evangelista na si Sen. Chiz Escudero nang malaman nito na minsang nagkaroon ng ugnayan ang aktres sa aktor na si John Lloyd Cruz.

Ayon sa Abante, hindi alam ni Escudero ang naging relasyon ng kanyang asawa kay Cruz kung kaya nagulat ito sa kanyang nabasa kamakailan.

Ngunit sa halip na magalit o anuman, biniro pa raw ng senador ang asawa na hindi nito ikinuwento sa kanya ang tungkol kay Cruz.

Noong 2005, ilang buwan umanong nag-date noon sina Evangelista at Cruz. Hindi raw nagtagal ang paglabas-labas ng dalawa dahil hindi pa raw handang pumasok ang aktor sa isang relasyon.

‘Hindi seloso’

Nauna nang ibinahagi ni Evangelista na hindi marunong magselos ang kanyang asawa, at sa katunayan ay sinasabihan pa nga raw niya ito na minsan ay magselos naman.

Marami ang kilig na kilig sa moments ni Evangelista at ng Korean leading man niyang si Alexander Lee sa Kapuso primetime series na My Korean Jagiya, at marami rin ang napapaisip kung nagseselos ba si Escudero. Sa isang panayam kay Evangelista inamin nito na hindi kailanman nagselos ang senador sa mga romantic scenes nila ni Lee.

“Hindi, zero!” tugon ng aktres. “He’s so… I think it’s because he’s mature, he’s so secure about himself, parang… Actually, even before, ‘yong mga damit na revealing? Mas ano pa nga siya, parang supportive talaga siya,” kuwento niya.

Kahit daw sa kissing scenes ay hindi pinagbabawalan ni Escudero ang kanyang misis.

“Wala talaga siya, as in zero! Minsan sabi ko, ‘Magselos ka naman!’ Hindi talaga siya nagseselos, he’s not the type. I think he’s secure, yeah!” pahayag ng aktres.

Source :

Abante, PEP, DF

Loading...