DNA samples nina Isnilon Hapilon at Omar Maute ipinadala sa FBI

Images from DF Balita Files

Ang mga DNA samples ng mga napaslang na mga lider ng Marawi siege na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute ay ipinadala sa Federal Bureau of Investigation (FBI) sa Estados Unidos upang masuri.

Ayon sa ulat ng GMA, nitong Biyernes, ika-20 ng Oktubre, ay ipinahayag ni Armed Forces of the Philippines Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo na nasa FBI na ang mga DNA samples ng dalawang terorista.

Aniya, inaasahan nila na sa lalong madaling panahon ay lalabas ang resulta ng DNA tests.

“Iyong DNA nai-submit na sa FBI and we are hoping that we would be able to get the result as soon as possible,” ani Arevalo.

“Ipinadala sa FBI kasi sila may capability lalung-lalo na kung ang reward ay manggagaling sa bansang Amerika, for example. So ‘yung DNA testing sila rin ang tumutulong sa atin na gawin maibigay lang natin ‘yung samples,” dagdag niya.

Ang pamahalaan ay may alok na pabuyang P10 milyon para sa ulo ni Hapilon, samantalang P5 milyon naman para sa ulo ni Maute. $10 million naman ang alok ng Estados Unidos para sa ulo ni Hapilon.

Loading...