Heart sa kissing scene nila ni Xander: Huli akong kinilig nang ganito noong time pa namin ni John Prats

Mga imahe mula sa Facebook pages na U-KISS (Philippines Fans Club) at My Korean Jagiya

Aminado ang aktres na si Heart Evangelista na kilig na kilig siya sa kissing scene nila ng kanyang leading man sa My Korean Jagiya, ang Korean actor na si Alexander Lee.

Ayon sa Abante, natutuwa raw si Evangelista sa tweets at comments na natatanggap niya sa Instagram kapag may kilig scenes sila ni Lee sa show.

“Ngayon lang din ako nakaramdam ng ganitong kilig din! Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang sabi niya.

“The last time I felt like this was noong mga time pa namin ni John Prats. People are so kilig sa mga eksena namin ni Xander at pati ako ganu’n din ang feeling,” dagdag pa ng aktres.

Aliw na aliw din daw si Evangelista na sumagot sa mga komento ng kanilang fans sa social media.

“I appreciate ‘yung effort ng mga fans to watch our show and it’s a pleasure for me to answer back kasi thankful ako sa support nila sa show naming lahat,” aniya.

Hindi seloso

Nauna nang ibinahagi ni Evangelista na hindi marunong magselos ang kanyang asawang si Senador Chiz Escudero, at sa katunayan ay sinasabihan pa nga raw niya ito na minsan ay magselos naman.

Kuwento pa nito, hindi kailanman nagselos ang senador sa mga romantic scenes nila ni Lee.

“Hindi, zero!” tugon ng aktres. “He’s so… I think it’s because he’s mature, he’s so secure about himself, parang… Actually, even before, ‘yong mga damit na revealing? Mas ano pa nga siya, parang supportive talaga siya,” kuwento niya.

Kahit daw sa kissing scenes ay hindi pinagbabawalan ni Escudero ang kanyang misis.

“Wala talaga siya, as in zero! Minsan sabi ko, ‘Magselos ka naman!’ Hindi talaga siya nagseselos, he’s not the type. I think he’s secure, yeah!” pahayag ng aktres.

Source :

Abante, DF Balita, DF

Loading...