[Videos] Pangarap ni Korean star Alexander Lee na sumakay at sumabit sa jeep, natupad na

Mga imahe mula sa mga Twitter account na @felixperfect at @GMADrama

Natupad na, sa wakas, ang pangarap ng Korean actor na si Alexander Lee na makasakay at sumabit sa jeep.

Ayon sa GMA News, noong una pa man dumating si Lee sa Pilipinas ay hangad na nito na makasakay at sumabit sa umaandar na jeep. Masayang-masaya ang aktor, na leading man ni Heart Evangelista sa My Korean Jagiya.

Sa Twitter, naka-upload ang ilan sa mga video ng memorable na first time ni Lee.

“@alexander_0729 ‘s first time riding a jeep! (grabbed from @heart021485 IG stories),” wika ni @felixperfect.

 

“#MyKoreanJagiya BTS: Alam niyo bang first time ni @alexander_0729 sumakay at sumabit sa jeep?” sabi naman ng GMA News Twitter account nito.

Loading...