Isabel Granada, pumanaw na sa edad na 41

Public Domain

Nagluluksa ngayon ang mundo ng showbiz sa pagpanaw ng aktres na si Isabel Granda sa edad na 41.

Magugunitang nag-collapse  si Isabel sa ginanap na fan meet-and-greet sa isang architecture and design office  sa Doha, Qatar nitong Oktubre 24 dahil sa aneurysm .

Ayon sa ulat ng PEP, kinumpirma ni Arnel Cowley, mister ni Isabel, na pasado alas-dose ng madaling-araw ngayong Linggo, November 5, ay pumanaw ang aktres.

Ayon kay Arnel: “It is with great sadness that my wife Isabel Granada has peacefully passed here in Doha Qatar.

“She has been a fantastic wife, mother and daughter. She always did her best in everything she did, whether it be in front of a camera or sports.

“I would also like to take this time to thank the Filipino community in Doha for giving their full support throughout this difficult time for myself and the family.

“Baby..wherever you might be..just always remember that I LOVE YOU. and I miss you very much.”

Nagpahayag din ng pagdadalamhati ang dating mister ni Isabel na si Jericho Aguas sa pagpanaw ng aktres sa pamamagitan ng kanyang Facebook post.

Naulila ng aktres ang kanyang mister na si Arnel Principe-Cowley, anak na si Hubert Thomas Jericho Granada Aguas, at “Mommy Guapa” Villarama, ina ni Isabel.

Ang 14-anyos na si Hubert ay anak ni Isabel kay Jericho.

Rest in peace, Isabel. Pakikiramay sa buong pamilya.

Loading...