Aiko Melendez, tampok sa Spotted Magazine

Mga larawan mula sa Instagram account ni Aiko Melendez

Masasabing isa ang 2017 sa masuwerteng taon ng magaling na aktres na si Aiko Melendez dahil sa muling pamamayagpag ng kanyang acting career, gaya ng iba niyang mga kasabayan noon, lalo’t mahigpit ang kompetisyon ngayon sa showbiz.

Muling nag-boom ang karera ni Aiko dahil sa pagkakasama sa teleseryeng Wildflower bilang Emilia Ardiente-Torillo; isa sa mga pangunahing kontrabida sa buhay ni Lily Cruz a.k.a. Ivy Aguas na ginagampanan ni Maja Salvador.

Nakatanggap siya ng parangal dahil sa mahusay na portrayal niya sa kanyang role sa naturang teleserye.

Ngayong Disyembre bago matapos ang 2017, tampok siya sa isang lifestyle magazine na Spotted Magazine. Makikita ang kanyang hot and sexy photos na talaga namang kapansin-pansin. Kamakailan lamang ay ipinagdiwang ni Aiko ang kanyang ika-42 kaarawan kasama ang cast ng Wildflower at ilang malalapit na mga kaibigan.

Narito ang ilan sa kanyang mga larawan na naka-post din sa kanyang Instagram account:

Naitampok na rin ng Spotted Magazine si Andrei Yllana, ang kanyang 18-year-old na anak sa ex-husband na si Jomari Yllana, sa issue nito noong Agosto 2017.

#spottedmagazine

A post shared by Andre Yllana (@andreyllana) on

Mapapanood pa rin si Aiko Melendez tuwing weeknights sa Wildflower, bago ang TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

Loading...