Babaeng pugante sa Ilocos Sur, isinuko ng sariling asawa na retiradong pulis

Image capture of video by GMA News via You Tube

MAYNILA, Pilipinas  –  Isang babaeng preso na tumakas mula sa Ilocos Norte Provincial Jail kamakailan ang isinuko ng sarili niyang asawa na isang retiradon pulis.

Nakilala ang babaeng pugante na si Susan Salacup, residente ng Barangay 16, San Nicolas. Siya ay nakulong sa kasong estafa, grave threat at oral defamation subalit nakatakas sa presuhan matapos masalisihan ang mga guwardiya noong araw ng pagbisita.

Nakuhang makapuga ni Salacup sa pamamagitan ng pagpapalit ng damit at paggamit ng salamin noong Martes, Disyembre 12.

Subalit makaraan ang isang araw, ayon sa ulat ng Bombo Radyo, isang tawag ang natanggap ng San Nicolas PNP mula sa mismong asawa ni Salacup na si Cecilio Salacup; isang retiradong pulis.

Sinabi nitong umuwi sa kanilang bahay ang kanyang misis kaya agad niyang ipinagbigay-alam sa mga pulis upang sunduin ito.

Dahil sa pagkatakas ni Salacup, inutusan na ngayon ng jail warden ang kanyang mga tauhan na mas lalong higpitan ang pagbabantay sa mga preso ng nabanggit na kulungan.

Loading...