Believe it or not: Si Xander Ford ang Google Philippines’ most-searched male personality sa 2017

Imahe mula sa Facebook account ni Xander Ford

Huwag magulat, ngunit alam n’yo bang si Xander Ford, ang social media sensation na dating kilala bilang Marlou Arizala ng Hasht5, ang nanguna sa  male category ng Google Philippines’ most-searched personalities ngayong 2017.

Ayon sa Google Philippines, naging top trending personality si Xander nang una itong lumabas sa kanyang major transformation noong  October 1 episode ng weekly magazine show na Rated K sa ABS-CBN.

Maliban sa pagpapaayos ng kanyang ilong at baba ay sumailalim din ang internet sensation sa wrinkle removal, eyebrow thickening, eyelash extension, lip pigmentation, at dental implants upang mabago ang kanyang anyo.

Sa ulat ng PEP, sinabing umabot sa PHP465,800 ang kabuuang gastos sa makeover ni Xander.

Kamakailan ay nagkaroon ng kaunting gusot sina Xander Ford at ang kanyang talent agency na Star Image Artist Management matapos nitong maglabas ng pahayag na si Xander ay nawawala.

Hindi raw sumisipot si Xander sa mga schedule niyang events. Sumagot naman ni Xander Ford sa isang video na hindi raw siya nawawala; bagkus ay nagpapahinga lamang. Aniya, “Hindi ako robot.”

Samantala si self-confessed transman Jake Zyrus o ang dating Charice Pempengco,  ay nasa ikawalong ranggo sa Google Philippines’ most-searched male personalities.

Si Zyrus ay nag-trending sa social media nang magpalit ito ng screen name nitong Hunyo. Kasunod nito ang pagpapalagay niya ng testosterone shots at ang breast removal surgery itong taong kasalukuyan

Tingnan ang  Google Philippines’ most searched male personalities: 

  1. Xander Ford
  2. Park Bo Gum
  3. Park Hyung Sik
  4. Gong Yoo
  5. Linkin Park
  6. Rowan Atkinson
  7. Gilas Pilipinas
  8. Jake Zyrus
  9. Nam Joo Hyuk
  10. Kim Joo Hyuk

Tingnan ang  Google Philippines’ most searched female personalities: 

  1. Maxine Medina
  2. Gal Gadot
  3. Kylie Padilla
  4. Kim Tae Hee
  5. Maureen Wroblewitz
  6. Lee Sung Kyung
  7. BlackPink
  8. Mariel de Leon
  9. Dayanara Torres
  10. Rachel Peters
Loading...