Dagdag-sahod para sa mga sundalo at uniformed personnel, lusot na sa Senado

Image from AFP Facebook page

MAYNILA, Pilipinas  –  Isang magandang regalo ang tinanggap ng mga kasundaluhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bago pa man sumapit ang Pasko; ito ay matapos maaprubahan sa Senado ang joint resolution na naglalayong taasan ang kanilang sahod simula sa susunod na taon.

Nitong Miyerkules, nakalusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang Joint Resolution No.11 na magtataas ng take home pay ng mga military personnel sa ilalim ng Department of National Defense (DND).

Kasali rin sa tatangap ng umento ang mga uniformed personnel sa ilalim ng Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine Coast Guard (PCG) at National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA).

Ang naturang resolusyon ay nilagdaan ng 20 senador Miyerkules ng gabi. Ito ay isinumite sa plenaryo nina Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, Senador Ping Lacson, Senador Gringo Honasan at Senador Cynthia Villar.

Ayon naman kay Senador Loren Legarda, chairperson ng Senate finance committee, maglalaan ang gobyerno ng P62.8-B na budget para sa pagpapatupad ng nasabing batas.

Loading...