Duterte ipasisibak ang 3 opisyal, 60 pulis-gangster

Image from PCOO

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 3 police superintendents at 60 officers na diumano’y sangkot sa iba’t ibang krimen sa bansa.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, ipahayag ito ng Pangulo sa ginanap na ika-39 kaarawan ni Senador Emmanuel Pacquiao sa General Santos City. Hindi naman pinangalanan ng Pangulo ang mga pulis.

“Mga 3 superintendent, minimum of 60 police, umalis kayo sa PNP. I am starting the purging,” ani Duterte.

“I’m just warning itong mga pulis na kurakot… talagang hihiritan ko kayo, babantayan ko kayo. Kayong mga gangster na nasa pulis gobyerno, medyo may takot ako na ‘pag wala kayo sa gobyerno, iyung baril ninyo, nalaman ninyo, then you start to bed, makitulog ka na sa mga gangster.”

Kamakailan ay sinibak ni Duterte ang dalawang opisyal na inakusahan na nagbibigay ng proteksyon sa mga bentahan ng iligal na droga.

Kinumpirma ni retiring Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang mga pulis at opisyal na nasa kamay na ngayon ni Duterte.

“Frustrating talaga kasi bakit sila mag-i-insist na gumawa ng ganun marami nang nahuli at nakulong,” aniya.

 

Loading...