Engineer natagpuang ***** sa loob ng ginagawang building sa Roxas City

Image from WikiMaps

MAYNILA, Pilipinas  –  Isang inhinyero ang diumano’y natagpuang ***** sa ikatlong palapag ng gusaling itinatayo sa Roxas City nitong nakaraang Linggo, ika-10 ng Disyembre.

Naaagnas na umano ang ******* ni Engineer Roger Banico, residente ng President Roxas, Capiz, nang makita ito sa loob ng isang saradong kuwarto ng gusaling ginagawa sa Barangay Culasi ng nabanggit na siyudad.

Napag-alaman sa ulat na tatlong araw nang hindi nakikita si Banico ng kaniyang mga tauhan at hindi rin ito umuwi sa kanilang bahay.

Si Banico ang project engineer ng gusaling itinatayo na pag-aari ng Philippine Coast Guard (PCG).

Napilitang hanapin ng kanyang pamilya ang biktima matapos itong hindi makita nang ilang araw. Nang buksan ang isang kuwarto na nakakandado, dito na tumambad sa kanila ang walang buhay na katawan ni Banico na nakahiga at nasa advanced state of decomposition na.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng pagkamatay ng inhinyero at kung may foul play sa nangyari dito.

Loading...