Eskuwelahan sa Navotas, binalot ng tensiyon dahil sa bomb threat

Image from Ocala Post

MAYNILA, Pilipinas  –  Pansamantalang binalot ng takot ang isang paaralan sa lungsod ng Navotas dahil sa bomb threat nitong Martes ng umaga, ika-12 ng Disyembre.

Ayon sa principal ng Tangos Elementary School na si Cristino Alejo, nakatanggap sila ng tawag mula sa hindi nagpakilalang caller na nagsabing may bombang nakatanim sa loob ng eskuwelahan at nakatakdang sumabog ito.

Kaagad namang ipinag-utos ng mga opisyal ng paaralan ang agarang paglikas sa mga mag-aaral at tumawag sa lokal na awtoridad para i-report ang pangyayari.

Nagpadala ng bomb squad ang Northern Police District upang suyurin ang buong paligid ng paaralan subalit wala naman itong natagpuan.

Idineklarang ligtas ang establisimyento bandang alas-9 na ng umaga kaya pinayagang muling makabalik sa kanilang mga silid ang mga estudyante.

Ayon sa opisyal ng naturang elementary school, nagpatuloy ang kanilang klase simula alas-12 ng tanghali.

Loading...