Honasan: “Extension ng Batas Militar nais din ng mga taga-Mindanao”

File Photo

Naniniwala si Senador Gregorio Honasan na ang pag-apruba ng House of Representatives  sa 1-year extension ng Martial Law sa Mindanao ay ebidensya ng pakikinig  ng mga mambabatas sa kahilingan at rekomendasyon ng mga sundalo, pulis at lalo’t higit ng mga  taga-Mindanao.

Sa isinagawang joint session ng Senado at  House of Representatives ay nakalikom ng botong 240-27 pabor sa isang taon pang pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao hanggang Disyembre 2018.

Ang  Senado ay may botong 14-4 habang ang House of Representatives ay may botong 226-23 pabor sa extenstion ng martial law sa Mindanao.

Ayon sa ulat ng Radyo Inquirer, sinabi ni Honasan na ang mga bumoto pabor sa Martial Law extension ay gusto ng nakararaming taga-Mindanao.

Wika ni Honasan, hindi niya masisisi ang mga Senador na kontra sa Martial Law extension dahil may kani-kanya silang opinyon na dapat igalang.

Kabilang sa mga hindi pabor sa Martial Law extension sina: Senador Franklin Drilon, Senador Francis Pangilinan, Senador Bam Aquino, at Senador Risa Hontiveros.

Samantala, ikinatuwa naman ng Malakanyang ang 1-year extension ng Martial Law sa Mindanao.

Loading...