Kuwentong katatagan ng isang ama na may polio, hinangaan ng mga netizen

Image capture of video by GMA News via YouTube account

“Sinasabi ko po sa mga katulad ko, huwag kayong mamalimos. Hangga’t kaya ninyo po, hangga’t malakas ‘yung mga katawan ninyo, maghanapbuhay kayo. Mag-isip kayo kung anong magandang hanapbuhay para sa inyo.”

Umani ng paghanga mula sa netizens ang kuwento ng katatagan ng isang ama na may polio na mag-isang nagtataguyod sa kanyang mga anak sa kabila ng kapansanan.

Ang nakabibilib na kuwento ni Orlando Advincula, 52-anyos, at tubong Peñaranda, Nueva Ecija ay na-feature sa ‘Front Row‘; isang lingguhang dokumentaryo mula sa pangangasiwa ng Kapuso Network.

Bata pa lamang umano si Mang Orlando nang maapektuhan ang kanyang mga binti.

Sa ngayon ay mag-isa  na lang si Mang Orlando sa pagtataguyod sa kanyang mga anak nang mamatay ang kanyang misis matapos maipanganak ang bunsong si Joshua, ayon sa ulat ng KAMI.

Aniya: “Mabigat po ‘yung nangyari kasi po namatayan na po ako, wala na nga po akong paa.”

Naisip ni Mang Orlando na ang pagpapatiwakal ang tanging solusyon sa kanyang problema ngunit dahil sa pagmamahal niya sa kanyang mga anak ay nalagpasan niya ito.

Wika niya: “Naisip ko po kawawa ‘yung mga bata, nawalan na nga ng ina, mawawalan pa ng ama.”

Sa kasalukuyan, patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay si Mang Orlando. Kumikita siya sa pamamagitan ng paggawa ng ‘bitsay’; isang maliit na basket na mula sa kawayan na pinaglalagyan ng tinapa.

Pages ( 1 of 2 ):
1
2Next Page »

Loading...