Lalaking may dalang bomba, ***** sa intel operation sa Sultan Kudarat

Image from WikiMaps

MAYNILA, Pilipinas  –  Hindi na nakapanlaban pa ang isang lalaking hinihinalang ‘bomb courier’ nang pagbabarilin ito ng mga intelligence operatives sa Sultan Kudarat nitong Miyerkules.

Kinilala ng mga awtoridad ang napatay na lalaki na si Abubakar Upam.

Nangyari ang insidente sa may National Highway sa Barangay Dansuli, bayan ng Isulan pasado alas-6 nang umaga.

Ayon sa ulat, sakay ng traysikel si Upam nang harangin ito ng mga operatiba ng gobyerno matapos makatanggap ng ulat mula sa Isulan police na may dalang pampasabog ang lalaki.

Tinangka pa umanong bumunot ng granada si Upam subalit pinaputukan na ito ng kaniyang mga nakanegkuwentro na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Narekober mula sa lalaki ang ilang piraso ng improvised explosive device (IED) at ang fragmentation grenade na hindi sumabog.

Hindi pa matiyak ng pulisya kung may kaugnayan si Upam sa teroristang grupo.

Loading...