Mas nakararaming Pinoy umaasa na masaya ang kanilang Pasko – SWS

Image from Missosology

Ayon sa survey na ginawa ng Social Weather Survey (SWS) mas maraming Pilipino ang naniniwala na magiging maligaya ang kanilang kapaskuhan.

Sa ulat ng InterAksyon, batay umano sa resulta ng nasabing survey, 77% ng mga Pinoy ang naniniwala na magiging masaya sila sa Pasko, 5% naman ang nagsabing magiging malungkot ito at 18% ang hindi masaya at hindi rin malungkot sa pagdating ng espesyal na araw.

Ipinakita rin ng SWS na mas mataas ang bilang ng mga naninirahan sa Mindanao (84%) ang naniniwalang maligaya ang Pasko nila kumpara sa mga naninirahan Luzon (75%) at Visayas (80%).

Batay rin sa nasabing survey, 81% ng adult Filipinos ang naniniwala na “it is better to give” ng regalo ngayong Christmas, samantalang 19% naman ang nagsabing “it is better to receive.”

Sa kabuuan, sinabi ng SWS na tumaas ang bilang ng mga Pinoy na naniniwalang magiging masaya ang Pasko kumpara noong nakaraang taon.

Ang survey para sa 4th quarter ng taon ay ginawa noong December 8-16, 2017.

Image from SWS
Image from SWS
Fact-checked against the following source(s) :

InterAksyon, Philstar, Inquirer

Loading...