Mga babuyan na nagtatapon ng dumi ng baboy sa Pasig River, sinalakay

Image capture f video by ABS-CBN

Sinalakay ng mga miyembro ng Manila Special Weapons and Tactics at tauhan ng Pasig River Rehabilitation Commission noong Martes, ika-12 ng Disyembre, ang mga babuyan sa Baseco Compound sa Port Area sa Maynila dahil sa masangsang na amoy na inirereklamo ng mga residente doon.

Natuklasan na itinatapon diretso sa ilog Pasig ang dumi ng mga baboy.

Ayon sa ulat ng Tempo, noong ika-5 ng Disyembre ay nilusob na ng mga awtoridad ang nasabing mga babuyan dahil sa mga reklamo. Siyam na kulungan ng baboy ang giniba. Kukumpiskahin sana ang mga baboy, subalit hindi itinuloy dahil nakiusap ang mga may-ari na hintayin na lang na maibenta ang mga iyon ngayong kapaskuhan.

Nangako rin umano ang mga may-ari ng babuyan na lilinisin nila ang mga dumi ng mga baboy, subalit hindi tinupad ng mga ito ang kanilang pangako kaya muling sumalakay ang mga tauhan ng PRRC at tuluyan nang giniba ang natitira pang mga kulungan.

Ang mga baboy ay kinumpiska na rin.

Sinubukang humingi ng tatlong buwang palugit ang mga operator ng piggery, subalit hindi na pumayag ang PRRC.

Source :

Tempo, RMN, ABS-CBN

Loading...