Miho Nishida nagsalita tungkol sa isyung nagparetoke siya: “Mas lalong tumaas ‘yung confidence ko”

Image Capture of Video by The Pinoy Channel via Youtube channel

Usap-usapan kamakailan lang ang malaking pagbabago sa itsura niya, ngunit hindi kinumpirma o itinanggi ng dating PBB housemate na si Miho Nishida na siya ay nagpa-retoke.

Marami ang nakapansin na mas gumanda ang kanyang ilong at mas pumuti.

Sa isang interview kay Miho sa dzMM Teleradyo show, Showbuzz, ay sumagot si Miho sa mga isyu. Naisulat ng Pep ang sagot niya, “Ha? Siyempre, i-improve.”

Dagdag pa ng dating PBB housemate na responsibilidad niyang maging “maganda.” Sabi pa niya, “Siyempre, bilang isang artista, para sa akin, gusto kong lagi tayong maganda.”

Dagdag pa ni Miho na ang “improvement” na ito ay nagpasaya sa kanya at dumagdag pa sa kanyang confidence. Aniya, “And then, happy ako kung ano ang meron sa akin. Mas lalong tumaas ‘yung confidence ko, so yes.”

Maaaring mapanood ang video ng The Pinoy Channel sa Youtube.

Source :

Pep, Pep, Youtube

Loading...