Pag-isyu ng bagong P5 coins dapat itigil dahil nakalilito – Sen. Nancy Binay

Image from Porky Porcalla's Facebook account

Nagdudulot ng pagkalito sa publiko ang bagong P5 coin na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kaya nais ni Senadora Nancy Binay na sana ay itigil pansamantala ang pag-isyu nito.

Noong Disyembre 1 ay inilabas ng BSP ang bagong P5 coin tampok ang imahe ni Gat Andres Bonifacio. Ang  iba pang mga barya na may bagong disenyo ay sa Enero 2018 ilalabas.

Ayon sa ulat ng Inquirer, sinabi umano ni Senadora Binay na ang bagong P5 sensilyo ay nagdulot ng pagkalito sa publiko mula nang ito ay mailabas ng BSP. Maaari umano itong makaapekto sa mga maliliit na negosyo.

“It is best to keep an eye on those new five-peso coins. Lalo na doon sa mga nanunukli ng barya sa tricycle, jeep, tindahan at mga maliliit na negosyo. Sobrang nakakalito ang bagong limang-piso na halos magkasing hawig at laki lang ito ng piso,” ani Sen. Binay.

Dagdag pa ng senadora, sana raw bago inilabas ang bagong limang piso ay kinunsidera ng BSP ang kalituhan na maidudulot ng new P5 coins dahil sa pagkakahawig nito sa P1 coins.

Loading...