Pangulong Duterte nais papanagutin ang Sanofi Pasteur — Palasyo

Image from KDN Files

MAYNILA, Pilipinas  –  Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na managot ang French pharmaceutical company na Sanofi Pasteur sa problemang kinakaharap ngayon ng bansa dahil sa kontrobersiya ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pabor din umano ang Pangulo sa rekomendasyon ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque na i-refund sa gobyerno ang bahagi ng P3.5-B na perang naibayad na sa kompanya.

“Meanwhile, he stands by the recommendation of the DOH to hold Sanofi responsible,” ani Roque sa isang press briefing nitong Martes.

“We want, by way of mere—by way of minimum, a refund of what we have paid already for the Dengvaxia. That’s the declaration already of the DOH Secretary ‘no,” dagdag pa ng opisyal.

Ganunpaman, nangako rin umano si Duterte na papanagutin ang iba pang indibidwal na may kinalaman sa kontrobersiya kapag natapos na ang imbestigasyong isinasagawa ng Department of Justice (DOJ).

Naniniwala din ang Malakanyang na sadyang itinago ng Sanofi ang impormasyon tungkol sa epekto ng Dengvaxia sa mga pasyenteng hindi pa natuturukan nito.

“That was not a known fact when government decided to embark on the vaccination program,” wika pa ni Roque.

Loading...