Philippine Navy chief, tinanggal sa puwesto

Image from Philippine Military Analysis and Updates Facebook page

MAYNILA, Pilipinas  –  Isang hindi inaasahang balita ang gumimbal sa Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos tanggalin at palitan sa puwesto ang hepe ng Philippine Navy na si Vice Admiral Ronald Joseph Mercado.

Nitong Martes ng umaga, napaulat sa mga pahayagan ang biglaang pagsibak kay Mercado ng pamunuan ng AFP.

Walang ibinigay na malinaw na dahilan kung bakit tinanggal si Mercado, subalit ayon sa Rappler, maaaring may kinalaman ito sa implementasyon ng proyekto ng Department of National Defense (DND) tungkol sa pagbili ng dalawang warships para sa Navy.

Kinumpirma rin ni AFP spokesperson Colonel Edgard Arevalo ang balasahan sa Philippine Navy ayon na rin sa utos ni Chief of Staff General Rey Leonardo Guererro at may basbas ng mga nakatataas.

“The AFP Chief of Staff Gen Rey Leonardo Guerrero has implemented the instructions from higher authorities to: Assign VADM Ronald Joseph Mercado to the office of the Chief-of-Staff, AFP on Special Duties; and install Rear Admiral Robert Empedrad as Acting Flag Officer-in-Command, Philippine Navy,” wika ni Arevalo sa isang pahayag.

Ipaliliwanag na lang daw ng pamunuan ng AFP sa mga darating na araw ang tunay na dahilan nito, ayon pa sa opisyal.

Loading...