Sunshine Dizon, binalaan ang mga babaeng makikipag-date sa kanyang asawa

Mga larawan mula sa Instagram account ni Sunshine Dizon

Isa sa mga dahilan kung bakit epektibo ang pagganap ng aktres na si Sunshine Dizon bilang Emma sa hit teleseryeng Ika-6 na Utos ng GMA Kapuso Network ay dahil naranasan na ito ng mahusay na aktres sa tunay na buhay.

Kaya naman “hugot na hugot” ang mga linyahan ni Sunshine sa naturang teleserye dahil legally separated na sila ng asawang si Timothy Tan noong 2016.

Nagbigay ng babala ang aktres sa mga babaeng aaligid sa kanyang asawa dahil sa teknikal at legal na aspeto, mag-asawa pa rin sila ni Timothy dahil hindi naman sila annulled.

Sa ngayon, civil ang ugnayan nila ng asawa. Lumalabas sila bilang isang pamilya kasama ang mga anak, subalit hindi pa siya bukas sa pakikipag-ayos dito. Masaya siya dahil masaya ang kanilang mga anak kapag lumalabas at namamasyal sila.

Naghiwalay ang mag-asawa matapos ang 6 na taong pagsasama dahil sa affair ni Timothy sa ibang babae.

Samantala, nakatanggap naman sila ni Gabby Concepcion ng parangal na Best Actress at Best Actor sa nakaraang 7th OFW Gawad Parangal.

Mapapanood si Sunshine Dizon tuwing weekdays sa hit teleseryeng Ika-6 na utos sa GMA Kapuso Dramarama sa Hapon kasama sina Gabby Concepcion, Ryza Cenon, Angelika Dela Cruz at Zoren Legaspi.

Loading...