Vice Ganda sa pagtatapat ng pelikula nila ng BFF niyang si Coco: Friendly competition lang

Mga imahe mula sa YouTube account ng ABS-CBN Star Cinema

Isang friendly competition lamang daw para sa komedyanteng si Vice Ganda ang pagiging magkatunggali ng mga pelikulang kinabibilangan nila ng matalik niyang kaibigang si Coco Martin.

Ayon sa PEP, hindi isyu para kay Vice kung makakalaban niya man sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 ang kaibigang si Coco. Si Vice ay isa sa mga Gandarrapido: The Revenger Squad; habang si Coco naman ang bida at direktor ng Ang Panday.

“Wala namang pagkakataon na isang pelikula lang ang pinalabas sa Metro Manila Film Festival, talagang marami kang makakatapat. Kaysa makatapat mo ‘yong iba at kumita ‘yong iba, mas masaya ka na kung ang katapat mo ay ‘yong kaibigan mo at pareho kayong kumikita, ‘di ba?” paliwag niya.

“Masaya ako kasi lahat naman kami, may assignment kami na aliwin ‘yong mga tao. E, si Coco, once a year lang din naman gumagawa ng pelikula. E, patapos na ‘yong taon, so kailangan ‘yong movie niya maipalabas na ngayong film fest. Kasi, kung hindi pa, wala siyang entry. Lahat kami ay may assignment na aliwin ang audience namin. Ginagawa lang namin ang assignment namin at alam naman namin na ginagawa namin nang maayos,” aniya.

Naging magkasama ang dalawa sa MMFF 2015 entry na Beauty and Bestie.

Samantala, hindi raw umaasa si Vice na magkaroon ng acting award. Mas gusto pa niyang maging blockbuster ang kanyang pelikula.

“Hindi naman ako magaling umarte, nakakatawa lang siguro ako. Ayaw ko na rin i-claim na ang galing kong aktor. Mas gusto ko na lang sabihin ng mga tao na, ‘Nakakatawa ang pelikula mo.’ Ayaw ko na rin mag-pretend… na ako’y isang mahusay na artist o ako’y mahusay na aktor. Gusto ko lang magpatawa. Masayang-masaya na ako kapag pinapanood nila ang pagpapatawa ko, tumatawa sila. Nandun sa akin ang achievement,” wika niya.

Pero tiwala ang komedyante na may laban sa takilya ang The Revenger Squad dahil sa pagsasama-sama nila nina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach.

Narito ang trailer ng pelikula nina Vice Ganda na “Gandarrappido”:

Narito naman ang trailer ng Ang Panday, na pinagbibidahan naman ni Coco Martin:

 

 

Loading...