[Video] Dayuhang nagtungo sa Pinas para sa iniibig, hirap ang dinanas

Imahe mula sa YouTube video ng GMA News

Hindi naging maganda ang resulta ng pagsunod ng isang dayuhang taga-New Zealand sa idinidikta ng kanyang puso, matapos itong magtungo ng Pilipinas para sa kasintahang nakilala niya sa social media.

Hindi pinalad ang dayuhang si Bryan Lawrence, 61, sa pakikipagsapalaran sa bansa dahil ang inakalang babae na nagpatibok sa kanyang puso ay lalaki rin pala.

Tinanggap ng dayuhan ang tunay na pagkatao ng kasintahan  niya ngunit patuloy pa rin siya nitong niloko. Maging ang tirahan nila na akala ng dayuhan ay ipinundar ng kasintahan mula sa kanyang pera ay inuupahan lang pala.

Nang wala na silang maipambayad sa renta at pinaalis na sila sa nasabing tirahan, naglaho na rin na parang bula ang kanyang kasintahan.

Ang sinasabi ng kasintahan na mayroon silang negosyo ay hindi rin totoo.

Sa ngayon, umaasa na lamang siya sa iniaabot ng mga kapitbahay na may magandang kalooban at sa munting taniman ng gulay sa loob ng parke na kanya ring ibinebenta.

Paulit-ulit na raw nitong kinasuhan ang kasintahan ng estafa ngunit nababasura lamang dahil sa kawalan ng katibayan.

Hindi raw ito makauwi sa sariling bansa sapagkat may isa pang kaso ng estafa na nakabinbin laban sa kasintahan. Maliban dito, paso na ang kanyang pasaporte at wala nang pera.

Walong taon na siyang naninirahan sa Kidapawan City, Cotabato habang nakikipaglaban sa sakit na diabetes.

Narito ang ulat ng 24-Oras hinggil sa New Zealand national na hindi naging maganda ang kapalaran sa Pilipinas:

Source :

YouTube

Loading...