[Video] Erich, ibinuking ang totoong ugnayan nina Joshua at Julia

Mga imahe mula sa Facebook page na Erich Gonzales at Julia Barretto (Official JBeauties)

Ibinuking ng aktres na si Erich Gonzales ang totoong relasyon ng kaibigan niyang si Julia Barretto at ng love team nito na si Joshua Garcia.

Ayon sa PEP, sa guest appearance nina Gonzales at Barretto sa Tonight With Boy Abunda noong Martes, may segment kung saan kailangan nilang tanungin ang isa’t isa.

Binasa ng host na si Boy Abunda ang isa sa mga katanungan ni Gonzales para kay Barretto: “Bakit hindi mo pa sinasagot si Joshua Garcia?”

“Buti na lang honest ako, Tito Boy. First of all, sino bang may sabi na hindi pa? Bakit may pag-assume kayo agad?” natatawang sagot ni Barretto.

“So, diretsuhin na. Iba pa rin ‘yong galing sa ‘yo,” wika ni Gonzales.

“Kapatid ko ba ‘to?” pabirong sagot ni Barretto.

“’Di ba, JoshLia, ‘yon ang gusto ninyong marinig?” tanong ni Gonzales sa fans ng dalawa.

“Ano ka ba?” sagot ni Barretto na ayaw nang magbigay ng iba pang impormasyon.

“Sige, okay na,” nakangiting tugon ni Gonzales.

Nakiusap si Barretto na si Garcia na lamang ang tanungin.

“Puwede bang siya na lang sumagot?” aniya.

Dito na ibinisto ni Gonzales ang estado ng relasyon nina Barretto at Garcia.

“Pero alam ko na ang sagot ni Joshua. Oo, sila na, ano ba ‘yan!” wika niya.

Narito ang episode ng guesting nina Barretto at Gonzales sa Tonight With Boy Abunda: