Walang imposible! Para-table tennis player na walang kamay tunay na inspirasyon

Imahe mula sa Twitter video ni APESIN OLA

Wala talagang imposible! Hindi hadlang ang kapansan upang gawin mo ang iyong passion.

Isang Egyptian para-table tennis player na walang kamay ang isang inspirasyon ngayon sa social media dahil sa husay nito sa paglalaro ng table tennis sa kabila ng kanyang kapansanan.

Ayon sa ulat ng KAMI, si Ibrahim Hamato ay naputulan ng kamay noong siya’y 10-anyos.

 “I had an accident when I was 10 years old but I loved table tennis. Three years after my accident, I wanted to play again holding the racket under my arm, but it didn’t work out. After trying different options, I found myself playing with my mouth,“ ani Hamato.

Dahil sa kanyang masinsinang pagsasanay siya’y naging mahusay na manlalaro at nagkataong makalaban ang mga world’s best amateur players.

Taong 2014, si Hamato ay lumahok sa World Team Championships sa Tokyo, Japan. Taong 2013 nang siya’y magkamit ng silver medal sa African Championships (Class 6); Silver medal naman noong 2011 sa African Championships    (Class 6-8); Silver medal sa 2013 Egypt Open (Class 6)

Si Hamato ay tumanggap ng special award dahil  sa kanyang katapangan at katatagan sa sport sa kabila ng kanyang kapansanan mula sa International Paralympics Committee noong 2015.

Nag-viral naman ang video ni Hamato habang naglalaro ito ng table tennis gamit ang kanyang bibig:

Loading...