1 buwang walang liguan! Shamcey Supsup ibinahagi ang dinanas sa kanyang post partum depression

Image capture from Shamcey Supsup-Lee Instagram account

Lingid sa ilan na dumanas ng post partum depression si Miss Universe Philippines 2011 Shamcey Supsup-Lee  noong ito’y manganak dalawang taon na ang nakalilipas.

Sinabi sa ulat ng Manila Bulletin na si Shamcey ay sumailalim sa tinatawag na ‘Ge lai.’ Ito ay  post partum healing process sa mga Chinese kung saan hindi pinaliligo ang ina sa loob ng isang buwan matapos manganak.

Ang ‘Ge lai’ ay ipinayo ng mga in-laws ni Shamcey na pawang mga Chinese. Sa Filipino ang katumbas nito’y ‘iwas-pasma.’

Ang ganitong pamamaraan umano ay pinaniniwalaang mas mabilis na nakapagpapagaling sa anumang pananakit na sanhi ng panganganak. Inamin naman ng beauty queen na nahirapan siya sa pamamaraang ito.

I felt icky and I could not go out of the house for one month. But I knew it was good for me because according to my mother-in-law, those who have experienced ‘ge lai’ say their wounds healed faster. She also said it was ge lai that kept her from feeling aches and pains now that she is older,” ani Shamcey.

Nakaranas umano si Shamcey ng post partum depression. Isa pa ang kanyang panganganak sa pamamagitan ng caesarean operation kung saan hindi siya handa.

Abala naman ngayon si Shamcey sa pagtulong niya sa kanyang mister sa itinatayong restaurant empire.

 “Our Pedro ‘n Coi chain is doing very well together with its fastfood counterpart Tambayan ni Pedro. Lloyd is targeting 50 restaurants in the next five years. I know it looks overwhelming and I honestly feel that sometimes I have too much on my plate running a business and taking care of my two-year-old baby girl Nyke. But when I look at the passion of my husband, I become excited more than overwhelmed. I know with my help, we both can do it,” ani Shamcey.

Si Chinese businessman Lloyd Lee ang mister ni Shamcey at si  Nyke ang kanilang 2-taong-gulang na baby.

Oh my heart 😍 #finaleeshesaidwes

A post shared by Shamcey S. Lee (@supsupshamcey) on

Loading...