10-anyos na babae nagsauli ng P10,000 sa lola:  “Kasi po baka kailangan niya po ‘yun.”

Image captured mula sa ABS CBN video

Isang 10-anyos na babae nagsauli ng P10,000 sa isang matanda sa isang supermarket sa Sta. Mesa, Maynila.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, si lola Carmelita ay namimili sa Puregold Sta. Mesa nang mahulog  nito ang ampaw na naglalaman ng P10,000.

Ayon kay lola, pambayad umano ng amilyar ang pera na bigay ng kaniyang anak.

Nagkataong namimili rin ang mag-amang sina Almar at Arabella Marcelino at doon nakita ang isang ampaw na may lamang pera.

Salaysay ng ama, ibinigay sa kaniya ng anak ang pera at agad na itinuro ng ama ang customer service sa anak upang maisauli ang pera. Doon na nila nakita na umiiyak ang matanda.

Hindi naman nagdalawang-isip na isauli ni Ara ang pera, aniya: “Kasi po baka kailangan niya po ‘yun.”

Wika ni Ara, pinayuhan siya ng ama na isauli ang pera dahil hindi naman ito sa kanila.

Proud umano ang ina ni Ara na isang OFW gayundin ang ama na batid niya ang katapatan ng anak.

Natutuwa umano si lola Carmelita dahil hindi nagkainteres ang ama sa pera.

Panawagan naman ni Ara sa mga batang nakapupulot ng pera na ito’y kanilang ibalik.

Binigyan umano ng P500 si Ara ng isa sa mga anak ni lola Carmelita. Ani Ara, ito’y gagamitin pambili niya ng mga gamit sa paaralan.

Panoorin ang ulat na ito ng ABS CBN para sa iba pang detalye:

Image captured mula sa ABS CBN video
Image captured mula sa ABS CBN video

 

Source :

ABS CBN

Loading...