10-M “poorest Filipino families” tatanggap ng cash aid upang maibsan ang epekto ng “TRAIN” – DOF

Image from PCOO

Sampung milyong pinakamahihirap na pamilya sa bansa ang bibigyan ng pamahalaan ng pinansiyal na tulong upang maibsan ang epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, partikular na ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin dahil sa pagpataw ng mas mataas na excise tax sa mga produktong petrolyo.

Sa ulat ng Bombo Radyo, ipinahayag ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III sa isang pulong balitaan sa Malacañang na binibigyan ng mandato ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mamahagi ng cash transfers sa tinatayang sampung milyong pinakamamahirap na pamilya sa bansa.

Ayon pa sa kalihim, ngayong 2018 ay makatatanggap ng P2,400 ang mga mahihirap na pamilyang tutukuyin ng DSWD. Sa mga taong 2019 at 2020 ay makatatanggap naman ang mga tinaguriang “poorest of the poor” ng taunang P3,600 cash assistance.

Sisimulan ang pamamahagi ng cash transfer sa first quarter ng taon.

 

Source :

Bombo Radyo, Journal Online

Loading...