5,000 political leaders at mga miyembro ng Liberal Party lumipat sa PDP-Laban ng administrasyon

Imahe mula sa Twitter account ni Noel Poliarco

Tinatayang nasa 5,000 political leaders at mga miyembro ng Liberal Party ang lumipat sa Partido ng Demokratiko Pilipino-Laban (PDP-Laban) sa isinagawang mass oath-taking ceremony nitong Enero 18 sa Iloilo City.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, sina Iloilo Governor Arthur Defensor Sr. at anak na si 3rd District Rep. Arthur Defensor Jr. at Provincial Board Member Lawrence Defensor ang namuno sa oath-taking ng mga Mayor, Vice Mayors, Konsehal at mga opisyal ng barangay sa harap ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Sa talumpati ni Alvarez pinaalalahanan nito ang mga local officials na manguna sa pagsugpo sa iligal na droga.

The President will not allow any local chief executives involved in illegal ***** to join the party,” ani Alvarez.

Pinasimulan ni Alvarez ang mass oath-taking sa mga bagong miyembro ng PDP-Laban sa Iloilo City nitong Huwebes.

Matatandaang inilarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Iloilo City bilang ‘most shabulized’ noong nakaraang taon. Makailang ulit na ring binalaan ng Pangulo ang mga opisyal na nauugnay sa droga, partikular ang sinibak sa tungkulin na si Mayor Jed Mabilog.

Sina Maasin Mayor Mariano Malones at Calinog Mayor Alex Centena na nasa listahan diumano ng mga narco-politicians ni Duterte ay lumipat na rin sa PDP-Laban.

Fact-checked against the following source(s) :

Twitter, ABS CBN, Rappler, GMA