Bakit namamaga ang laman-loob ng mga batang diumano ay namatay matapos bakunahan ng Dengvaxia?

Imahe mula kay Thinking Pinoy

Sa autopsy na isinagawa ng mga forensic experts ng Philippine Attorney’s Office sa ilang bata na diumano ay namatay matapos mabakunahan ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia ay nakita ang pagdurugo at pamamaga ng mga internal organs ng mga biktima.

Ayon sa ABS-CBN, sinabi ni health advocate na si Dr. Susan Mercado sa panayam sa kanya ng DZMM kung bakit namamaga ang mga internal organs ng mga batang isinailalim sa awtopsiya.

Ani Dr. Mercado, ang pamamaga ng internal organs ay tinatawag na “viscerotropism.” Isa raw iyon sa mga side effects ng yellow fever vaccine kung saan kinuha ang strain para sa paggawa ng Dengvaxia.

“‘Yung Dengvaxia, ang pinanggalingan niyan ay ‘yung yellow fever virus na pinsan ng dengue. Isa sa mga nangyayari sa mga may yellow fever ay ‘yung mga organs, namamaga,” ani Dr. Mercado.

Ang nakitang pagdurugo o internal bleeding naman daw ang karaniwang nararanasan ng mga biktima ng dengue dahil inaatake ng dengue virus ang blood vessels at platelets.

“Lahat ng vessels ay nagiging marupok dahil sa dengue kaya nagkakaroon ng pagdudugo,” paliwanag ng duktor.

Narito ang video ng panayam kay Dr. Susan Mercado:

 

Loading...