Batang malambing! Video ng pamamaalam ni Scarlet Snow Belo sa mga helpers nila kinalugdan ng netizens

Images via @scarletsnowbelo's Instagram account

Marami talaga ang natutuwa sa bibo at malambing na anak nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow.

Bukod sa pagiging cute at matalino, kinakikitaan din ng kabaitan ang bata kaya hindi nakapagtataka na halos 2 milyon na ang followers niya sa Instagram.

Nitong nakaraang kapaskuhan ay lumabas ng bansa ang mag-anak. Bago lumipad ay nagpaalam muna umano sa kanilang mga helpers at  caregivers ang malambing na si Scarlet Snow. Mababakas din ang tuwa sa mga tagapangalaga nila.

Ang eksenang ito ay nakuhanan ng video at ibinahagi ni Dra. Vicki sa kanyang Instagram kung saan ay umani ito ng maraming views at likes. Lalong kinagiliwan ng mga netizens ang bata.

Pinuri rin ang mag-asawang doktor dahil sa kanilang mahusay na pagpapalaki sa kanilang anak.

“Giving hugs to her favorite godfather “Nining” @thejojieworld and our helpers . Everyone loves her and she loves them back . She’s so sweet giving everyone a good bye hug.”

 

Last year she even sang for her yaya Athena on the latter’s birthday! It’s so easy to see how sweet and loving the little girl is.

Loading...