Beauty and brains si Mam! Guro nag-viral dahil sa pagsayaw nito sa loob ng classroom

Imahe mula sa Facebook account ni Karen Grace Atienza/Karl Angelo Cantela

‘Yung maganda, kalog at game na teacher, aabsent ka pa ba?

Nakabibilib ang mga guro na nakasasabay sa kulit ng mga millenials. Yung tipong handang makipagkulitan si teacher sa ikagaganda ng samahan nila ng kaniyang mga estudyante.

Nag-viral ngayon ang isang teacher umano ng Manggahan National High School dahil game na nakipagkulitan ito sa kaniyang mga estudyante.

Sa Facebook post ni Karl Angelo Cantela, ibinahagi nito ang video ni Karen Grace Atienza na game na nakikipagsayaw sa dikta ng kaniyang mga estudyante.

Labis na kinaaliwan ng mga netizens si Mam Atienza dahil sa pagiging cool nito sa kaniyang mga estudyante.

Napag-alaman na si Atienza ay kalahok sa Miss Tourism World Philippines 2018 (China version).

Noong  2016 si Atienza ay naging 2nd Runner Up sa Miss Tourism Philippines na ginanap sa Newport Performing Arts Theater.

Maaaring panoorin ang Question and Answer portion na ito ng contest:

Image captured mula sa Facebook video ni Joselito Caleon
Image captured mula sa Facebook video ni Joselito Caleon
Loading...