Camille kay Angelica: Dasal ko para sa ‘yo na matagpuan mo ang walang hanggang saya at pagmamahal

Mga imahe mula sa YouTube video ng ABS-CBN Entertainment

Isang nakaantig na liham ang isinulat ng aktres na si Camille Prats para sa kanyang itinuturing na kapatid sa showbiz na si Angelica Panganiban.

Sa isang episode ng Magandang Buhay, sinorpresa si Panganiban ng isang sulat mula kay Prats, na nakasama nito sa napakaraming proyekto simula pa noong mga bata pa sila sa industriya. Sa liham, ipinahayag ni Prats kung gaano niya minamahal at hinahangaan ang kaibigan.

“Happy 25th anniversary! Isa ka na talagang institusyon sa industriya,” pagsisimula ni Prats.

Natawa si Panganiban. Ipinaalala niya sa kabigan na sabay lamang silang nagsimula sa pag-aartista.

“Hanga din ako sa ‘yo bilang isang tao, sa pagiging totoo sa lahat ng bagay and for being fearless at what life throws at you,” pagpapatuloy ni Prats.

Ang hiling daw ni Prats ay matagpuan na sana ng kaibigan ang walang hanggang saya at pagmamahal.

“You are a woman of strength with so much love to give, kaya naman ang dasal ko para sa ‘yo ay matagpuan mo ang walang hanggang saya at pagmamahal, because you deserve it all,” aniya.

Throwback. Narito ang trailer ng Sarah, Ang Munting Prinsesa; isang proyekto kung saan nagkasama noon sina Prats at Panganiban:

Maantig sa laman ng liham si Prats. Narito:

Fact-checked against the following source(s) :

YouTube, YouTube

Loading...