Celine Dion nagsalita tungkol sa pagpapalit ng kasarian ni Jake Zyrus

Imahe mula sa Oprah.Com

Suportado ni French-Canadian superstar na si Celine Dion ang pagpapalit ng sexual preference ni Jake Zyrus, na noo’y si Charice Pempengco, na nakasama niya noon sa isang concert.

Ayon sa ulat ng GMA, ginunita ni  Dion ang naging duet nila Zyrus sa kaniyang concert na ginanap sa Madison Square Garden noong 2008. Aniya,  hindi niya raw ito makalilimutan.

Sa halip na “she” ay  “he” na ang ginamit ni Dion kay Jake nang maalalang nagpalit na ito ng kasarian.

My jaw is still dislocated because the whole arena was, and I remember, she dedicated her song to her mother. So I think, if I may now switch, I’m pretty sure that ‘he’ remembers dedicating the song to his mother and a big talent,” saad ni Celine sa naturang press conference para sa kaniyang ” ayon kay  Dion.

Suportado raw ng international superstar ang  desisyon ni Zyrus.

I just wished him the very, very best. I hope that acceptance is hard but we have to.. we cannot start by judging because is there a final answer really? If you feel a certain way, you feel that way. We can talk about it, but this is how you feel, and this is how I feel, but this is how Charice felt, and we have to respect that,” dagdag pa nito.

Proud din umano si Dion na nabigyan niya ng pagkakataon si Zyrus na magbigay ng madamdaming awitin para sa kaniyang ina.

And I wish him the very best, and I am very proud that I have given him the moment that when he sang with his heart and people were crying and his mother was extremely proud,” gunita  pa niya.

Si Dion ay nakatakdang magdaos ng concert sa Pilipinas sa unang pagkakataon sa Hulyo 19, 2018, sa Mall of Asia Arena.

Panoorin ang ulat na ito ng 24 Oras para sa iba pang detalye:

Source :

24 Oras, You Tube, GMA

Loading...