Daddy’s girl! Pokwang at Lee O’Brian nagbahagi ng video, close-up na larawan ni Malia Francine

Imahe mula sa Instagram account ni @itspokwang27

Labis-labis ang kagalakan ng komedyanteng si Pokwang sa isinilang na panganay nila ng partner na si Lee O’Brian na isang malusog na sanggol na babae.

Proud nanay si Pokwang, o Marietta Subong sa tunay na buhay, at masayang ibinahagi ang unang larawan ng kanyang supling na si Malia Francine sa kanyang Instagram account  na may caption na:

“Goodmorning….. from Malia the daddy’s girl sa lahat po ng nagdasal na maging safe ang pagluwal ko kay baby Malia maraming salamat po…. happy kami sobra @leeobrian at si ate @maesubong maraming salamat po….” 

Marami ring mga netizens ang nagkomento tungkol sa larawan ng napaka-cute na si Baby Malia.

Nagpasalamat ang dalawa sa mga nagpadala ng mga regalo at nagpahayag ng pagbati:

Maraming maraming salamat @starmagicphils , @_magandangbuhay and Miss @krisaquino for the beautiful gifts and for thinking of us!! Baby Malia, @itspokwang27 and I say “Maraming Salamat!!” #ThankYouStarMagic #ThankYouMagandangBuhay #ThankYouKrisAquino

Matatandaan na isinilang ni Pokwang ang panaganay nilang anak  nito lamang ika-18 ng Enero.

Si Lee O’Brian ay nagpahiwatig sa kanyang Instagram account na sila’y mapapanood sa TV Patrol. Panoorin ang video.

Who’s tuning in to @tvpatrolabscbn2 tonight? We are on for an interview about who else??….. #BabyMalia!! @itspokwang27 and I laugh, we cry, we …. I’m not telling you everything- you gotta tune in to @abscbnnews #TVPatrol!! Maraming salamat to the film crew of @tv_patrol – good people!! #JeffersonFernando

Fact-checked against the following source(s) :

Instagram, Kami, Kicker daily news, Wikipedia, Instagram

Loading...